50 Express Connect Bus Service ng DOTC, papasada na sa kahabaan ng EDSA simula ngayong Lunes

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1670
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Simula ngayong araw ay papasada na sa EDSA ang 50 express connect bus service ng Department of Transportation and Communications o DOTC.

Magsisimula ang biyahe nito 4:00am hanggang 10:00pm, mula Fairview hanggang Pasay area, unang ruta nito ay Fairview hanggang Ayala at stop over sa Ortigas area; 2nd route ay Fairview hanggang Ayala subalit walang hintuan sa Ortigas; habang ang 3rd route ay Fairview hanggang SM Mall of Asia at stop over sa MRT Ayala station.

Point to point destination ang biyahe ng express bus, ibig sabihin, hindi ito magsasakay ng ibang pasahero maliban sa pickup and drop off points.

Kapareho lang ng air conditioned bus ang pasahe sa Express Bus pero mas mabilis ng biyahe nito ng 20 hanggang 30 minuto lang.

Papayagan ang mga ito na dumaan sa flyover, underpass at sa labas ng yellow lane pero kung hindi mag-iingat ang mga driver nito ay maaari itong pagmulan ng aksidente.

Mungkahi naman ng MMDA na patawan ng multa ang mga driver ng express bus na masasangkot sa aksidente.

Kapag maganda ang resulta ng proyekto, plano ng DOTC na dagdagan pa ng mas maraming ruta ang express bus sa Metro Manila.