50 Domestic flights ng Cebu Pacific, nakansela

by Erika Endraca | April 30, 2019 (Tuesday) | 3605

Manila, Philippines – Naabala ang libu libong pasahero matapos makansela ang 50 flights ng Cebu Pacific dahil sa umano’y sira mga eroplano at problema sa ruta.

Pinag-aaralan naman ng civil aviation board kung ano ang magiging pananagutan ng cebu pacific sa nangyaring aberya.

Simula pa noong Linggo, kanselado na ang 50 domestic flights ng Cebu Pacific airlines dahil sa patong-patong na problema.

Ayon sa tagapagsalita ng cebu pacific na si Charo Logarta-Lagamon, napilitan silang bawasan ang kanilang flight dahil sira aniya ang ilan sa kanilang eroplano. Paliwanag nito, tatlo sa kanilang aircraft ang nagkaproblema dahil sa bird strike.

Bukod doon, nagkaproblema rin aniya ang kanilang network route dahil sa dami ng nga eroplanong bumibiyahe. Apektado nito ang oras ng paglapag at paglipad ng mga eroplano.

“Yung ruta na tinatahak ng bawat eroplano and because it affects yung nga ruta yung nga timing yungr nga schedule nabubulunan ang aming network and wala kaming ibang choice,masakit man sa aming kalooban we have to pulldown those flights para hindi na lumaki pa at lumala pa yung problema ng malawakang mga delay at cancellations” ani Cebu Pacific Spokesperson Charo Logarta-Lagamon

Sa pagtaya ng cebu pacific siyam na libong pasahero ang apektado ng flight cancellation.

Kabilang sa mga biyaheng kinansela ng cebu pacific ang manila to butuan flight  gayundin ang papuntang dipolog,cebu,general santos,puerto princesa,cebu-zamboanga, at cebu-tawi tawi.

Kanselado naman ngayong araw ang cebu to iloilo at dipolog, gayundin ang manila to Cebu, Ozamis, Roxas at San Jose.

Samantala, pinag-aaralan na ng civil aviation board kung may pananagutan ang cebu pacific sa nangyaring aberya.

“Of evaluating the incident and determine the circumstances that led to this” ayon kay Cab Executive Director Attorney  Carmelo Arcilla

Ayon sa CAB, hindi lamang cebu pacific ang may mga kanseladong flight , kasama rin sa mga nag-apply ng flight cancellation ang Skyjet, Philippine Airlines, at Air asia.CSamantala humingi na ng paumanhin ang cebu pacific sa mga naabalang pasahero at sinisikap na maiayos ang biyahe ng nga ito.

Ayon sa airline company maaring i rebook o humingi ng refund ang mga apektadong pasahero.

Maari din silang maka avail ng hotel at food accomodation, gayundin ang libreng round trip voucher na magagamit sa susunod na flight.

(Joan Nano | UNTV News

Tags: ,