50-70 Milyong Pilipino, target ng PSA na makapagrehistro sa National ID bago matapos ang taon

by Erika Endraca | June 15, 2021 (Tuesday) | 817

METRO MANILA – Umabot na sa 36 Milyong Pilipino ang nakatapos na sa step 1 ng registration para sa National ID base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay ang pagbabahay-bahay na pangangalap ng impormasyon sa mga kababayan nating mahihirap sa liblib na mga lugar.

Kasama rin dito ang ibang nakapagparehistro online.

Mayroon namang 13 Milyong Pilipino ang nakatapos na sa step 2 ng registration para sa National ID, at hinhintay na lamang ang release ng mismong ID cards.

Sa step 2 ng pagpaparehistro,kailangan ng magbigay ng biometrics tulad ng picture,finger print at iris scan.

Kahapon (June 14) lumagda ang psa at isang malaking kumpanya ng mall upang magkaroon ng karagdagang pasilidad na magagamit bilang registration centers.

“Yung ating step 2 registration process naman ay mabilis lang nag time in motion kami and ive been observing sa mga registration centers it would take an average of 10 minutes yung actual registration process” ani PSA Nat’l Statistics and Civil Registrar General Usec. Claire Dennis Mapa.

“This event will formally seal the nationwide participation of the SM supermalls to make the PhylSys registration services accessible to the mall going public.” ani SM Supermalls President, Steve Tan.

Para sa step 2 registration sa mga PSA registration centers, required na magpakita ng isang valid id at birth certificate.

Sakaling walang mapakitang dokumento, maaari ring magpakita ng certification mula sa barangay na nagpapatunay na residente ito sa lugar.

“We want of course this is a very important project so we want everyone to be registered into the national id system so lahat yan ay ginagawan namin ng paraan may mga regiatrants tayo na talagangbwala silang maibigay na mga documents ito ay kino-coordinate namin sa mga barangay officials kung saan sila nakatira” ani PSA National statistics and Civil Registrar General Usec. Claire Dennis Mapa, Ph.D.

Ang third and final step ng national ID registration ay ang door to door delivery ng id cards sa pamamagitan ng PhilPost o ng lokal na pamahalaan.

Panawagan ng PSA samantalahin ang pagkuha ng National ID dahil libre naman ito at walang kahit anumang babayaran.

Sa oras na magkaroon ng National ID ang lahat ng mga pilipino, tiwala ang psa na malaki ang maitutulong nito para gawing mas mabilis ang serbisyon hindi lang sa mga ahensya ng gobyerno kundi maging sa pribadong sektor.

“Hindi lang po bibigyan ng foundational identification but this will also open opportunities, ang pinaka objectives ng ating national id is to provide a seamless transaction to our registrants, to our kababayan via private or the public sector” ani ani PSA National statistics and Civil Registrar General Usec. Claire Dennis Mapa, Ph.D.

Samantala , nagbabala ang PSA sa publiko na huwag mag-post sa social media ng pictures ng kanilang National ID o anumang impormasyon kaugnay nito na maaaring magamit ng mga mapagsamantala

(Marvin Calas | UNTV News)

Tags: