5% wastage ng Covid-19 vaccine sa Pilipinas, “acceptable” pa nguni’t dapat walang masayang- DOH

by Erika Endraca | February 4, 2021 (Thursday) | 1629

METRO MANILA – Sakaling dumating na ang mga Covid-19 vaccine sa bansa, maingat itong iimbak hanggang sa araw na maibigay ito sa mga Pilipino.

Iniiwasan ng pamahalaan na magkaroon ng wastage o pagkasira ng Covid-19 vaccines.

Ayon sa Department Of Health (DOH), hangga’t maaari ay 5% lang sa bilang ng mga bakuna sa bansa ang mapabilang sa wastage.

Paliwanang ng DOH, nangyayari ito kapag ang isang taong dapat bigyan nito ay biglang umatras at ayaw nang magpabakuna sa araw ng kanyang schedule.

Pangalawa ay kapag nakalista ang isang indibidwal nguni’t hindi na maaaring bakunahan dahil sa ibang dahilan gaya ng pagkaksakit

Ayon sa DOH, dapat may ibang eligible na tatanggap pa rin ng Covid-19 vaccine upang hindi masayang.

Pangatlo ay kapag hindi tama ang pagbibigay ng healthcare worker o mali ang ginawang preparasyon sa isang bakuna.

Samantala, ipinaliwanag naman ng DOH ang mga pangunahing batayan ng pamahalaan sa pagtatakda ng paghihigpit o pagluluwag ng quarantine restrictions sa Pilipinas.

Ito ay ang dami ng kaso, bilang ng nahawa sa Covid-19 at ang kapasidad ng healthcare system.

Nilinaw ng DOH na kahit masimulan na ang pagbabakuna kotra Covid-19, hindi pa rin ito sapat na dahilan para magluwag ng quarantine protocols.

Ayon kay DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire, bagaman nabakunahan na ang isang indibidwal hindi naman ibig sabihn ay hindi na ito susunod sa mga ipinatutupad na health protcols.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: