Magandang balita para sa mga guro dahil ang limang porsyentong buwis sa honoraria ay maaari nang i-reimburse ayon sa DepEd Election Task Force.
Dalawang libo hanggang anim na libong piso bukod pa sa karagdagang isang libong pisong transportation allowance ang karaniwang natatanggap ng mga teacher na nagsisilbing board of election tellers para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Matatatandaang dahil sa implementasyon ng TRAIN law, napatawan pa rin ng buwis ang honoraria ng mga guro o teacher 1 and 2 na kumikita ng 250 thousand pesos pababa kada taon.
Ang teacher 1 na si Mam Mercedes na nagbabantay sa Nagpayong Elem School, masayang-masaya dahil sa balita.
Ayon sa DepEd kinakailangan lamang punan ang isang form o sworn affidavit sa loob ng 15 araw ay maaari nang makuha ang re-imbursment.
Sa pamamagitan ng cash cards o ATM naman ay maaari namang makuha ang transportation allowance at ang mismong honoraria ng mga guro.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )