5, sugatan sa banggaan ng barangay patrol at SUV sa Maynila

by Radyo La Verdad | October 23, 2018 (Tuesday) | 2995

Lima ang sugatan nang magkabanggaan ang service ng brgy. patrol na e-trike at sports utility vehicle sa Ermita, Maynila bandang ala una kaninang madaling araw. Isinusugod sana ng ospital ang brgy. patrol ang isang lalaki na inatake umano sa puso kasama ang tatlo niyang kamag anak.

Ngunit pagsapit sa Taft Avenue at Padre Faura intersection , nagkasalpukan ang service ng brgy. patrol at SUV.

Sugatan ang lahat ng sakay ng brgy patrol, tatlo sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan. Ang mga sakay ay sina May Viray, Charlie Viray at ang driver na si Jeffrey Delos Santos. Halos yupi-yupi ang harapan at bubungan ng barangay patrol habang bahagyang nawasak ang harapan ng SUV.

Walang namang tinamong pinsala ang driver ng SUV na tumanggi ng magpaunlak ng interview sa media.

Agad na isinugod ng MMDA Rescue at iba pang rescue volunteer units ang mga biktima sa Philippine General Hospital.

Nasa kustodiya na ng Manila Traffic Bureau ang mga nasangkot na sasakyan habang patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,