5 strategic sealift vessels, target ng Philippine Navy upang lubos na mapalakas ang kapasidad nito

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 2669

NAVY-SHIPS
Mayo nang susunod na taon, inaasahang darating ang ikalawang strategic sealift vessel o SSV na ipinagawa ng Pilipinas sa Indonesian Shipbuilder PT Pal Shipyard.

Ayon sa Philippine Navy Fleet Commander na si Rear Admiral Ronald Joseph Mercado, limang SSV ang kinakailangan upang makumpleto ang pwersa ng Hukbong Dagat ng pilipinas kasama na ang iba pang sasakyang pangdigma at mga kagamitan.

Nakasalalay naman na sa susunod na administrasyon ang acquisition ng tatlo pang strategic sealift vessel ng Philippine Navy.

Nitong lunes, pormal na dumaong sa South Harbor Manila ang pinakamalaki, kauna-unahan at bagong barkong pangdigma ng Pilipinas.

Sa Hunyo a-uno, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng hukbong dagat ng Pilipinas, iko-komisyon ang landing dock vessel at tatawagin na “ Barko ng Republika ng Pilipinas Tarlac”.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang media na bisitahin ang loob ng pinakamalaking barko ng Philippine Navy.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: ,