5 rehiyon sa Luzon, inilagay sa red alert ng NDRRMC dahil sa Bagyong Goring

by Radyo La Verdad | August 28, 2023 (Monday) | 15636

METRO MANILA – Inilagay na sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 5 rehiyon sa Luzon bunsod ng banta ng bagyong Goring.

Ito ay ang Cordilleras, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas maging ang buong ahensya ay naka red alert upang matiyak na agad silang makakaresponde sa mga lugar na mangangailangan ng tulong.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon sa mga lugar sa Northern Luzon na nakararans ng malakas na ulan.

Nakahanda na rin aniya ang mga food pack na ipamamahagi sa mga apektadong residente.

Tags: