REGION 12, MINDANAO – Lima na ang naitalang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Base sa inisyal na report ng mga otoridad tatlo sa mga nasawi at pawang mga bata edad 2 hanggang 7 taong gulang na taga Talauan, Nort Cotabato at Magsaysay, Davao Del Sur. Nasa 50 naman ang bilang ng mga nagtamo ng minor injury.
Samantala balik normal na ang operasyon ng mga electric company sa mindanao matapos ang power interruptions kasunod ng lindol. Ayon sa Department of Energy (DOE) naibalik na ang suplay ng kuryente sa halos lahat ng mga lugar na naapektuhan ng pagyanig. Nagdeploy ng mga tuhan ang National Grid Corporation of the Philippiness para magsagawa ng line assesment.
Tags: earthquake, NDRRMC