5 opisyal ng POEA, kakasuhan dahil pinayagang makaalis ng bansa ang ilang manggagawa patungong Kuwait

by Radyo La Verdad | February 22, 2018 (Thursday) | 4142

Kinansela na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang license to operate ng labing isang recruitment agencies sa bansa dahil sa sari-saring paglabag sa karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFW), partikular na sa Kuwait.

Ang mga ito ay hindi na maaaring magproseso ng employment papers ng OFWs. Ang nasabing hakbang ay ginawa ng pamahalaan upang mapanagot ang mga nasa likod ng paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruitment.

Samantala, inihahanda na ng POEA ang kaso na isasampa laban sa kanilang mga empleyado  na pinayagang makalusot ang ilang OFW papuntang Kuwait kahit hindi kasali sa ‘Balik Manggagawa Program’.

Sa darating na February 28 ay magkakaroon ng pagpupulong ang Kuwaiti at Philippine government upang hilingin na payagan ang mga OFWs na ang humawak sa kanilang mga passport o ang Philippine labor attaches at embahada, gayundin ang payagang makagamit ng cellphones ang mga domestic helpers.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,