5 miyembro ng kidnap for ransom group, patay sa engkwentro sa Laguna

by Radyo La Verdad | April 10, 2018 (Tuesday) | 3187

 

Dead on the spot ang apat na hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay San Nicolas, San Pablo, Laguna kaninang umaga.

Pawang nakasuot ng uniporme ng PNP regional mobile force battalion ang mga suspek.

Naisugod naman sa ospital ang isa sa mga suspek subalit binawian din ito ng buhay.

Nangyari ang engkwentro ng magsasagawa na sana ng pay-off ng seven hundred thousand peso ransom kapalit ng pagpapalaya kay Ronaldo Arguelles na dinukot ng mga suspek sa kaniyang bahay sa Candelaria, Quezon kagabi.

Patay rin sa nangyaring engkwentro ang isang pulis na kinilalang si PO1 Ma. Zarah Jane Andal.

Si Andal ang kasama ng asawa ng biktima na mag-aabot sana ng ransom money sa mga susek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kasama ni Mrs. Arguelles kaya nagpaputok ang mga ito na nagresulta sa engkwentro.

Dalawang  pulis naman ang sugatan sa insidente na kinilalang sina PO1 January Menfroza at PO1 Junjun Villaflor.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga otoridad ang kuha ng cctv sa establisimyento na malapit sa lugar.

(Sherwin Culubong / UNTV News Correspodent)

Tags: ,