Nanganganib na matigil ang operasyon ng limang minahan sa Zambales na sinisisi sa umano’y pagkasira ng kapaligiran doon.
Bilang tugon sa petisyon ng mga residente ng Sta Cruz, Zambales, isang writ of kalikasan ang ipinalabas ng Korte Suprema laban sa Benguet Nickel Mines Inc., Eramen Minerals Inc., LNL Archipelago Minerals Inc., Zambales Diversified Metals Corporation,
At Shangfil Mining and Trading Corporation.
Nagbigay na ng direktiba ang Korte Suprema sa Court of Appeals upang magsagawa ng pagdinig sa petisyon.
Inatasan din ng korte ang limang kumpanya ng minahan at ang DENR na sumagot sa petisyon sa loob ng sampung araw.
Sa kanilang petisyon sa mataas na hukuman, hinihiling ng mga residente ng Sta. Cruz Zambales na patigilin ang operasyon ng limang minahan dahil sa umano’y masamng dulot nito sa kanilang kapaligiran.
Bukod sa pagkasira ng kalikasan, nakalbo na rin umano ang mga kagubatan sa lugar dala ng pagminina.
Nasira na rin umano ang irigasyon sa lugar at apektado na ang kabuhayan ng mga residente doon.
(Roderic Mendoza/UNTV Radio)
Tags: writ of kalikasan