5 million doses ng COVID-19 vaccines, target na maibakuna ng pamahalaan sa National Vaccination Days ngayong linggo

by Radyo La Verdad | February 7, 2022 (Monday) | 3955

METRO MANILA – Mas pinaiigting pa ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination campaign nito.

Target ng pamahalaan na maabot ang 90 million fully vaccinated individuals sa second quarter ng taon.

Sa ngayon nasa mahigit 59 million pa lang ang nabakunahan na ng first at second dose ng COVID-19 vaccine.

Kaya naman sa isasagawang Bayanihan, Bakunahan 3 sa February 10 at 11, nakahanda ang pamahalaan na makapagbakuna ng 5 million doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Co-lead at Medical pSecialist Doctor Kezia Rosario, prayoridad na makapagbakuna sa mga lugar na may mabababang vaccination rate.

Magdaragdag din ng vaccination sites para naman sa mga magpapabakuna ng booster dose.

Ayon kay NVOC Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje, isa pa rin sa mga dapat tutukan ay ang pagbabakuna sa mga senior citizen lalo’t marami pa rin sa mga ito ang hindi pa bakunado.

Sa kasalukuyan, nasa 6.2 million na sa A2 priority group o mga senior citizen ang kumpeto na sa bakuna.

Nasa 9 million naman ang fully-vaccinated na sa A3 priority group o persons with comorbidity.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: ,