Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaloob ng libre at bagong mga baril ang Russian Government para sa mga Pilipinong sundalo.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang Groundbreaking Ceremony ng isang libong housing units para sa mga tauhan ng militar kahapon.
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenza, bukod sa Kalashnikov riffles na may isang milyong rounds ng ammunitions, magbibigay din ng 20 units ng Army trucks ang Russia sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal, libre itong makukuha ng AFP at walang kapalit na hinihingi ang Russian Government sa mga donasyong ito.
Darating sa Pilipinas ang Russian ship na may lulan ng mga ito sa October 22 at isasagawa ang turn over ceremony sa October 25 sa Maynila.
Ayon sa opisyal, gagamitin ang mga baril sa pagsupil ng terorismo sa bansa.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )