5 Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China, inaasahang malalagdaan sa pagdalo ni pangulong Duterte sa Belt & Road forum

by Erika Endraca | April 23, 2019 (Tuesday) | 12161

Manila, Philippines – Tuloy na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo sa 2nd belt and road forum sa Beijing China mula April 25- 27.

kasama ng pangulo ang kaniyang economic managers, kung saan magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at chinese President Xi Jinping at maging kay Premier Li Keqiang.

Kaugnay nito, limang kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China.

 “We are looking at the possible agreements in the areas of education, anti corruption, official development assistance as well as drug rehabilitation, its in the final stage of consultations” ani Department of Foreign Affairs Asec. Meynardo Montealegre.

Hindi naman tiyak kung matatalakay sa nasabing bilateral meetings ang isyu sa agawan ng teritoryo sa west philippine sea.

ngunit tiyak aniya na isusulong ni pangulong duterte ang interes ng pilipinas.

 “They expected ofcourse to chart the further development of bilateral relations in various areas like defense, security, economics and development as well as regional and international issues of mutual importance” ayon kay Department of Foreign Affairs Asec. Meynardo Montealegre

Samantala, isa rin si Pangulong Duterte sa magiging lead speakers sa gaganaping leaders’ roundtable.

Layon ng belt and road initiative na gawing mas konektado ang mga bansa sa larangan ng infrastructure development, trade at iba pa.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , , ,