5 Housing Projects, sisimulan na para sa Indigenous Peoples ng Mindanao

by Radyo La Verdad | March 4, 2022 (Friday) | 496

Itatayo ang 5 housing porject para sa komunidad ng Indgigenous Peoples (IPs) sa Mindanao ayon sa pahayag nitong Marso 3 ng Department of Health Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Makikinabang ang may 250 pamilyang IP na bahagi ng tribong Higaonon ng Northern Mindanao at Caraga region sa Building Adequate, Livable, Affordable, and Inclusive Filipino Communities (BALAI) program.

Bahagi sila sa mga komunidad ng IP na wala sa ilalim ng communist terrorist groups.

Itatayo ang mga housing projects sa Barangay Kibanban, Balingasag town, at Barangay Minalawag, Claveria sa Misamis Oriental: Barangay Kamagong, Nasipit at Barangay Bokbokan, Las Esperanza, Agusan del Sur ayon kay DHSUD Secretary Eduardo del Rosario.

Aniya, gagawa pa ng requests para sa lima pang nayon upang maging tig-lima bawat rehiyon.

Magkakaroon ng tribal halls ang bawat housing location at multipurpose covered court naman ang idaragdag sa Barangay Samay sa Balingasag, Misamis Oriental.

Nakasuporta ang iba’t-ibang mga stakeholders gaya ng 52nd Engineering Brigade of the Philippine Army, Technical Education, and Skills Development Authority (TESDA), National Comission for Indigenous Peoples, at mga non-governmental organization sa DHSUD.

Samantala, mayroon ding mga housing project na napasimulan na para sa mga kasapi naman ng tribong Dumagat sa probinsiya ng Aurora at Nueva Ecija.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)