Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz muling sasabak sa torneo sa darating na 5th Asian Indoor and Martial Arts na gaganapin sa Ashgabat, Turkmenistan.
Hangad ng Pilipinas na makakuha ng limang gintong medalya sa nasabing tournament na magsisimula sa Sept. 17 hanggang 27.
Ayon kay Chef de Mission Monsour del Rosario, posibleng makapagpadala ng isang daan ang limangpung atleta ang bansa sa torneo upang lumaban sa labing siyam na sports category mula sa dalawamput isang iba’t-ibang sports.
Prayoridad nila ang mga atleta na nanalo ng medalya sa Southeast Asian Games at World Championships.
Bukod sa weightlifting, magpapadala rin ng delegates ang bansa sa mga sports ng chess, jujitsu, dance sports, billiards, 3 on 3 basketball, kickboxing, taekwondo, muay thai, athletics, track cycling, lawn tennis at football.
Tags: 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games, 5 gold medals