5 bagong kaso ng Omicron Subvariant, nakumpirma sa Western Visayas

by Radyo La Verdad | June 1, 2022 (Wednesday) | 1957

METRO MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5 panibagong kaso ng BA.2.12.1 Omicron Subvariant sa Western Visayas.

Ayon sa DOH, 3 sa bagong kaso ay Returning Overseas Filipinos mula sa USA, silang lahat ay fully vaccinated.

2 naman ay local cases at fully vaccinated.

Ayon sa Department of Health, sa kabuoan 22 na ang BA.2.12.1 Omicron Subvariant sa Pilipinas.

Lahat ng close contacts ng mga ito ay nakapag-isolate at maikokonsiderang recovered na.

Naka-recover na rin ang mga ito at hindi naman lubhang nakakaapekto sa healthcare system ng bansa.

Tags: ,