5 araw na libreng sakay para sa mga Filipino veterans, ipagkakaloob ng LRT

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 1343

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_War-Veterans

Magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga kababayan nating beterano

Ito’y bahagi ng paggunita sa Araw ng Kagitingan sa darating na Huwebes at Philippine Veterans’ Week ngayong linggo.

Ayon sa LRTA, ipatutupad ang libreng sakay ngayong araw, Abril 7 hanggang Abril 11, araw ng Sabado, simula alas-5:00 ng madaling araw hanggang sa pagtatapos ng biyahe ng LRT line 1 mula Roosevelt hanggang Baclaran, at line 2 na may rutang Santolan hanggang Recto.

Kailangan lamang ipakita ang valid ID mula sa Philippine Veterans Affair Office o Veteran ID para mabigyan ng libreng sakay.

Libre rin sa pagsakay ang isang kasama ng bawat beterano.

Tags: , , , ,