5.6 M pamilya, maaring maapektuhan ng bagyong Chedeng – NDRRMC

by dennis | April 3, 2015 (Friday) | 1020

CHEDENGSATELLITE

CHEDENGSATELLITE

Aabot sa 5.6 milyong pamilya ang posibleng maapektuhan ng Bagyong Chedeng.

Ipinahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na tinatayang nasa 5,619,221 pamilya o 56,638,709 indibiduwal ang maaaring maapektuhan sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I, II, III, IVA, IVB, V at VIII.

Ayon kay NDRRMC chief Alexander Pama, una na nilang inabisuhan ang mga residente malapit sa dalampasigan ng eastern coast ng Luzon para sundin ang precautionary measures.

Partikular na maapektuhan ang lalawigan ng Aurora kung saan inaasahang magla-landfall ang si Chedeng sa Linggo.

Inabisuhan na rin ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na bigyan ng warning ang mga bakasyunita kaugnay ng posibleng pagtaas ng storm signal warning at iba pang weather advisory.