5-6% Annual GDP, dapat ginagastos ng pamahalaan sa imprastraktura para maibsan ang problema ng trapiko sa bansa – Sen. JV Ejercito

by Radyo La Verdad | January 4, 2017 (Wednesday) | 5058

joyce_ejercito
Balik Senado na ngayong Enero si Sen. JV Ejecito matapos i-abswelto ng Sandiganbayan sa kasong graft kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga armas ng San Juan City noong alkalde palang siya ng lungsod.

Bagaman sa Pebrero pa matatapos ang ipinataw sa kanya na Preventive Suspension, otomatikong lifted na aniya ito dahil sa desisyon sa korte.

Nais tutukan ng Senador ngayon taon ang usapin sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrido Duterte para solusyonan ang problema ng mabigat na trapiko sa bansa, partikular sa Metro Manila.

Hindi tulad sa kamara, mas mabilis nabuo ang report ng komite ni Sen. Grace Poe na siyangnagrerekomenda sa pagbibigay ng emergency powers kay pangulo.

Kaya naman nais kausapin ni Sen. Ejercito si Catandanues Rep. Cesar Sarmiento hinggil sa nagiging hadlang sa pag-usad ng panukala sa kamara lalo’t patuloy nang lumalala ang problema sa trapiko.

Ayon kay Ejercito, kulang na kulang sa imprastraktura ang bansa kaya nananatiling problema ang masikip na traffic.

Dapat aniya ay taasan ng pamahalaan ang inilalang pondo para sa imprastraktura.

Sa pagbabalik ng Senate Session ngayong Enero, inaasahang magsisimula na rin ng Plenary debate patungkol sa emergency powers.

Umaasa si Sen. JV na bago mangahalati ang taon ay maipapasa na ito sa kongreso.

Tags: , ,