4Ps System, kailangang ireview – Sen. Gatchalian

by Radyo La Verdad | November 7, 2022 (Monday) | 4621

METRO MNILA – Maipagpapatuloy at mapapabuti pa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung maitutuwid ang mga pagkukulang.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, halos 50% ang tagumpay ng 4Ps sa edukasyon ngunit hindi epektibo sa pagiibsan ng kahirapan.

Ire-require ng Senador ang DSWD na magsumite ng mga pag-aaral sa epekto ng 4Ps sa 4.4 milyong benepisyarong nakatatanggap ng P2,000 hanggang P4,000.

Aniya, hindi sapat na nakapagtapos lang ng high school, kundi dapat ay college at dapat may trabaho at kailangang palakasin ang livelihood component ayon sa initial niyang analysis.

Dagdag nito, nangangailangan ng dagdag na badyet ngunit hindi dapat lumpsum allocation, 1 sa 10 benepisyaro lamang ang nagiging matagumpay.

Ang sa RA 11310 o ang 4Ps law ay ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin nitong mawakasan ang sali’t-saling lahi ng kahirapan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magulang na ibahin ang paraan ng pamumuhay at maglaan para sa hinaharap ng kanilang mga anak.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,