4K tonelada ng relief goods, hatid ng PCG sa mga nasalanta ng bagyong Odette

by Radyo La Verdad | February 16, 2022 (Wednesday) | 450

Nakapagdala ng 3,928.7 tonelada ng relief goods at mga mahahalagang supply ang Philippine Cost Guard (PCG) sa mga nasalanta ng bagyong Odette nitong Disyembre.

Dinaala ng PCG vessels at air assets ang 1,883.3 toneladang relief at 2,045.4 tonelada naman sa PCG Auxiliary (PCGA) aircraft at private vessels.

Hinatid ng PCG District Northeastern Mindanao (CGDNEM) personnel ang mga pagkain at bitamina sa mga residente ng Sitio Looc, Barangay Ipil sa Surigao City nitong Lunes.

Naganap sa ilalim ng PCG “Task force Kalinga” ang relief operation bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtulong sa mga lugar na pinaka-apektado ng bagyong Odette.

Gumamit ng assets and resources ang PCG at mga katuwang na government at private sectors sa ilalim ng task force upang makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)