Implementation plan para sa mas mabilis na pagresponde sa panahon ng kalamidad, binuo ng PNP

by Radyo La Verdad | July 9, 2015 (Thursday) | 1750

mayor
Bumuo ang Philippine National Police ng implementation plan upang paigtingin pa ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad partikular na ng bagyo.

Tinawag itong Implan Saklolo na may layong masiguro na nakahanda anomang oras ang mga tauhan ng PNP at ang kanilang mga equipment sa panahon nang pananalasa ng bagyo sa bansa.

Ito ay pamumunuan ng mga Regional Director, Provincial Director, Chief of Police, habang DPCR naman ang mamumuno sa monitoring center sa National Head Quarters.

Inaatasan din ang mga tauhan ng PNP na makipag-ugnayan sa mga local government unit ng mga lugar na tatamaan ng bagyo at maging sa NDRRMC para sa agarang pagtulong.

Hinikayat din PNP ang publiko na bisitahin ang kanilang facebook at twitter account para sa dagdag kaalaman sa panahon ng kalamidad.

Tags: