4,860 active COVID-19 cases sa bansa, pinakamataas simula May 2022

by Radyo La Verdad | June 22, 2022 (Wednesday) | 7675

METRO MANILA – Pumalo na sa 4,860 ang bilang ng kumpirmadong active COVID-19 cases sa bansa as of June 21, 2022. Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH).

Pinakamataas itong naitala simula May 2022. 409 ang naidagdag kaya umabot na sa 3,697,200 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa simula ng manalasa ang pandemiya sa Pilipinas.

Sa Metro Manila, 218 cases ang nadagdag. Kaya naman sa pagtaya ng Octa Research, papalo ngayong araw sa 650-700 ang bilang ng madadagdag na kaso sa bansa.

Sa gitna naman ng muling pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID infections, nagpaalala-ala ang palasyo sa publiko na sundin pa rin ang health protocols.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi ito maiiwasan dahil sa ibayo pang pagbubukas ng ekonomiya.

“Continue to practice health protocols, wear your masks, social distancing, wash your hands. Now, it’s inevitable to be in crowded areas because the economy is open, you just really have to be careful, drink your vitamins, eat healthy, don’t stay up late, and sleep long.” ani Acting Presidential Spokesman/ Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,