Umabot na sa apatnaput walo (48) ang nasawi, na karamihan ay pawang mga babae at mga bata, habang marami pa ang nawawala kasunod ng landslide sa isang malaking garbage dump sa Addis Ababa, Ethiopia.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagguho ng mga basura sa Koshe garbage landfill noong Sabado ng gabi na naging dahilan upang malibing din ang mga barong-barong na bahay, maging ang mga konkretong gusali.
Tinatayang aabot sa 150 residente ang naroon nang mangyari ang landslide.
Nasa mahigit limampung taon na nag-ooperate ang nasabing landfill na naging tahanan na rin para sa maraming residente.
Ayon sa mga otoridad posibleng tumaas pa ang death toll dahil sa nagpapatuloy na search and retrieval operations.
Tags: 48 patay, Ethiopia, landslide, mga basura
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com