48 bata patay dahil sa matinding lamig sa Peru

by Radyo La Verdad | July 1, 2016 (Friday) | 1069
Nagyelong ilog sa Peru(REUTERS)
Nagyelong ilog sa Peru(REUTERS)

Apatnaput walong batang edad lima pababa ang nasawi sa High Andes sa Peru dahil sa pneumonia at iba pang respiratory illnesses sanhi ng matinding lamig.

Ayon sa mga otoridad, umabot sa four degrees farenheit o below eighteen degrees celcius ang temperatura doon.

Ito na ang pinakamababang naitalang temperatura ngayong winter season sa High Andes.

Ayon sa Peruvian National Defence Institute, nanganganib ang kalusugan ng mahigit dalawandaang libong mga residente sa rehiyon dahil sa matinding lamig.

Tags: ,