Dumating na ang 48 unit ng brand new utility trucks na binili ng Philippine National Police mula sa kanilang 2014 capability enhancement program.
Nagkakahalaga ito ng mahigit tatlong milyong piso bawat isa o may kabuuang presyo na mahigit sa 144 million pesos.
Mas mababa ito sa allocated budget ceiling na mahigit 250 million pesos.
Ang mga bagong trak ay gagamitin sa troop movements at deployment at ibang special operations tulad ng civic actions, relief operations at search and rescue operations tuwing may kalamidad sa bansa.
(UNTV RADIO)
Tags: brand new utility trucks
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com