MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senador Sonny Angara ang di-umano’y kakulangan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan ng Department of Education (DepEd).
Aniya, lumabas sa 2018 annual audit report ng Commission On Audit (COA) na tanging 11 lamang sa 47,000 silid-aralan ang napatayo ng ahensya noong nakaraang taon.
Nais ding ipasilip ng senador na siyang chair ng senate committee on finance ang 27-M textbooks na hindi umano nai-deliver sa mga mag-aaral ng K-12 program.
Nauna nang sinabi ng DepEd na patuloy na ang kanilang pamamahagi ng mga instructional materials na natambak sa kanilang limang warehouses sa taguig city na nagkakahalaga ng mahigit P113 – M.
Dagdag pa ng kagawaran, muli nilang susuriin ang kanilang guidelines sa pagbili ng instructional materials at ang pangangasiwa sa kanilang buffer stocks.
Patuloy na rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa COA dahil ang karamihan umano sa mga resulta ng ahensya ay base sa hindi updated na consolidated reports mula sa kani-kanilang regional units.
(Harlene Delgado | Untv News)