46% ng mga Pilipino naniniwalang bubuti ang kalidad ng buhay bago matapos ang taon batay sa SWS survey

by Radyo La Verdad | October 20, 2023 (Friday) | 6239

METRO MANILA – Naniniwala ang nasa kalahating bilang ng mga Pilipino na mas gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan o bago matapos ang taon.

Batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula June 28 hanggang July 1 ngayon taon, 46% ng mga adult Filipino ang nagsabing mas bubuti ang kalidad ng kanilang buhay, 44% ang nagsabing hindi magbabago ang kanilang quality of life.

5% naman ang nagsabing mas sasama ito sa loob ng susunod na 12 buwan.

Ang natitirang 5% naman sa 1,500 respondents ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.

Ayon sa SWS, mas tumaas ang net optimism score na nakuha mula sa survey ay nasa +41 at ikinokonsidera na excellent sa kanilang criteria.

Tags: ,