46% ng Adult Filipinos, gumagamit ng internet – SWS Survey

by Erika Endraca | June 6, 2019 (Thursday) | 5317

MANILA, Philippines – Nanatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng internet sa bansa mula noong 2006.

Ayon sa first quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), 46% ng mga Pilipinong may sapat na gulang ang gumagamit ng internet.

50 % ng kababaihang Pilipino ay gumagamit ng internet, habang 41% ng kalalakihan ang internet users.

Ayon pa sa ulat ng SWS, pinakamataas pa rin ang internet usage sa Metro Manila mula pa noong 2006.

Kung edad ang pagbabatayan, pinakamaring internet users ay nasa edad 18 hanggang 24 , habang ang may pinakamababang internet usage ay mga nasa 55 taong gulang pataas.

Ang survey ay isinagawa noong March 28-31 sa  1,440  Filipino adults.

Tags: ,