45 OFWs na Volunteer Returnees mula sa Hubei Province, nakatakdang dumating sa bansa sa Linggo ng umaga

by Erika Endraca | February 7, 2020 (Friday) | 1077

Sasakay sa isang chartered flight ang 45 OFW’s na volunteer returnees mula sa Hubei Province China.

Lalapag ang sasakyan nilang eroplano sa Clark International Airport sa Pampanga umaga ng Linggo (Feb. 9).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III inalok ng BCDA ang Athlete’s Village sa new Clark City sa Tarlac upang magsilbing quarantine area para sa mga repatriates.

Ayon sa Dept of Foreign Affairs (DFA), may pinagkasunduang health protocol ang Phil. at Chinese Government bago payagang sumama sa chartered ang mga ofw.

Ang mga ofw na makikitaan ng sintomas ng Coronavorus ay hindi papayagang makasakay ng eroplano. Otomatikong maiiwan ang mga ito at dadalhin sa Chinese Hospital.upang ma-isolate at magamot.

Binigyang diin din ng DFA na ang isasagawang repatriation ay hindi lamang ang pamahalaan ang may mandato kundi kalakip nito ang pakikipag-ugnayan sa Chinese authorities

Patuloy ang pakikipagtulungan ng DFA sa chinese authorities upang ma-proseso ang lahat ng exit permits ng mga naturang ofw.

Kahapon (Feb. 6) nakarating na sa Wuhan City ang DFA team upang ayusin at ihanda ang repatriation ng mga volunteer returnee.

Magpapadala naman ng 3 nurse at  2 doktor sa loob ng chartered flight upang umasiste sa mga volunteer returnee.

Ipinaliwanag ng DOH na lahat ng volunteer returnees ay dadalhin upang ma- isolate sa quarantine facility sa New Clark City

Ang mga staff ng quarantine facility ay mangagaling sa 5 piling ospital ng Doh na malapit sa New Clark City.

Hindi naman papayagang sumalubong at bumisita ang mga kaanak ng mga volunteer returnees. Online communication lamang ang paraan upang makausap ang mga ito.

Bilang paghahanda sa quarantine facility sa pagdating ng mga repatriate sa Linggo (Feb. 9).

Isinailalim na sa lockdown Kahapon(Feb. 6) ang New Clark City bilang paghahanda sa pagdating ng mga Pilipino galing China kung saan iku-quarantine ito ng 14 na araw.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: