445 Pilipinong sakay ng Diamond Princess cruise ship mula sa Japan, nakauwi na sa Pilipinas

by Erika Endraca | February 26, 2020 (Wednesday) | 16167
Photo by DFA FB Page

Siyam na tauhan ng Department Of Health (DOH) at 4 na mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumundo sa 445 mga Pilipinong sakay ng MV Diamond Princess cruise ship pauwi ng Pilipinas.

Ang lahat ng ito ay nag-negatibo sa Coronavirus Disease 2019. Hinati sa 2batch pag ang papauwi sa mga ito.

Habang nasa eroplano minominitor ng mga repatriation team na nakasuot ng personal protective equipment ang kundisyon ng mga Pilipino.

Ang unang flight sakay ang mahigit 300 repatriates ay lumapag sa Clark Airbase pasado Alas-10 Kagabi (Feb. 25).

Habang ang pangalawang batch naman lulan ang mahigit 100 Pilipino ay dumating Kaninang pasado Alas-12 ng madaling araw. Walang sinoman sa kanila ang kinakitaan ng sintomas ng respiratory ilness.

Pagbaba ng eroplano sinakay ang mga ito sa mga bus papunta sa sa New Clark City sa Capas, Tarlac para isasa-ilalim sa 14 na araw na quarantine.

Eksklusibo namang nakapanayam ng UNTV ang isa sa mga repatriate na kasama sa umuwi Kanina.

Ayon sa kanya mayroon din umano silang tig-iisa at maayos na kwarto.
Maayos din umano silang naisaludar ng mga opisyal ng DFA at DOH.

Umaasa rin itong magiging maayos ang lahat at makakauwi ng ligtas sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa DOH, 2 beses sa isang araw imomonitor ang kanilang kundisyon.
Hindi sila papayagang tumanggap ng bisita pero papayagan din silang gumamit ng cellphone upang makausap ang kanilang mga kamag-anak.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,