Idineklara ng Comelec, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines bilang areas of concern ang apatnaput apat na bayan sa Eastern Visayas kaugnay ng nalalapit na national elections.
Pinakamaraming naitala na areas of concern sa Samar Province, sinundan ito ng Leyte, Northern Samar, Eastern Samar at Biliran.
Hindi naman kasama sa listahan ng mga isinailalim sa areas of concern ang lalawigan ng Southern Leyte dahil walang naitatalang election related incident sa probinsya noong nakaraang 2013 elections
Ayon kay Major General Jet Velarmino ng 8th Infantry Division Philippine Army, kung kinakailangang mag deploy ng maraming sundalo sa Samar bilang augmentation nila sa PNP ay gagawin aniya nila upang matiyak na magkaroon ng mapayapang halalan.
Una nang nagpadala si PNP Director General Ricardo Marquez ng 88-SAF Personnel sa probinsya, at nangakong magdadagdag pa ng ilang police personnel upang maiwasan na ang naitatalang patayan sa lugar na may kinalaman sa eleksyon
Dagdag pa nito, may ideneploy narin silang mga sundalo bilang dagdag pwersa sa mga inilagay na checkpoints ng PNP sa buong rehiyon
Una nang idineklara ang Samar na kabilang sa anim na election hotspot sa bansa.
(Jenelyn Gaquit/UNTV News)
Tags: areas of concern, COMELEC, Major General Jet Velarmino, Philippine National Police