4,000 vaccinations sites, itatalaga ng DOH bilang bahagi ng vaccination plan

by Erika Endraca | January 12, 2021 (Tuesday) | 1066

METRO MANILA – Binusisi ng mga senador sa isinagawang Senate Committee of the Whole kung ano ang magiging sistema ng Department Of Health (DOH) sa pagbabakuna kontra Covid-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, bahagi ng vaccination plan ang pagtatalaga sa mahigit 4,000 vaccination sites .

Ayon sa DOH, may 3 vaccination team sa bawat site na syang mangagasiwa sa pagbabakuna

Kada araw, may bilang lang din ng mga babakunahan sa kada vaccination site.

“To be exact 4, 512 delivery sites for vaccination sites and each one will have three vaccination teams and each team will have six members. it’s 300 per day per vaccination sit”ani DOH Sec Franscisco Duque III.

Batay sa implementasyon ng nationwide vaccination sa sites, ang babakunahan ay dadaan sa registration, health education and final consent area, screening area at vaccination area na tatagal lamang ng 15 minuto.

Pagkatapos mabakunahan, titigil muna sa post-vaccination area ang mga ito sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras.

Dito kinukuhaan ng blood pressure ang mga nakatanggap ng Covid-19 vaccines.

May naka- antabay din na ambulansya sa naturang area para sa anomang emergency situation.

Maaari naman magbago ang detalye o planong ito depende sa mga lalabas pang mga development at scientific evidence

Ayon kay Sec Duque, kailangang ma- monitor ang mga kalagayan ng mga vaccinee upang matiyak na walang magiging adverse effects.

“Ang mga pasyenteng ito ay magkakaroon ng sariling qr code at unique identifier na ipakikita sa araw ng pagbabakuna. Sa pamamagitan nito, atin pong imo-monitor ang mga pasyente na nabakunahan ng first and second dose.” ani DOH Sec Franscisco Duque III.

Pitong pharmaceutical companies ang kausap ngayon ng pamahalaan upang makapag- supply ng Covid-19 vaccines sa Pilipinas.

Sa pagdinig sa senado, ipinahayag ni Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr na gagastos ang gobyerno ng P82.5-B para sa pagbili ng 148-M doses ng bakuna.

Ngunit ang supply nito ay depende rin sa maibibigay ng mga manufacturer dahil sa pangangailangan ng iba’t ibang bansa.

“When we are negotiating we are very surprised that the vaccine makers are very very generous na talagang they’ve been …. To us alam nila na kapag mahirap ka na country may special allocation po tayo
now that we are on the final stage of our negotiation lumaki po ang volume ng 148.” ani Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr.

Inaasahang mababakunahan ang nasa 50-70-M na mga Pilipino ngayong 2021

Prayoridad dito ang nasa 35-M indibidwal na nasa edad 18 hanggang 59.

Ipinaliwanag naman ni WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung bakit ang ganitong age bracket lang ang sakop ng pagbabakuna kontra Covid-19.

Tiyak naman ng vaccine czar na darating ang supply ng bakuna mula sa pfizer at sa covax facility ng who na aabot sa 40-M doses. 40-M doses din naman ang mula sa Novovax.

Nakahanda ring magbenta ang Astrazeneca, Sinovac at Gamaleya ng tig- 25-M Covid-19 vaccine doses

Ayon pa kay Sec. Galvez, posibleng simulan ang vaccine roll out sa bansa kapag na- deliver na ang mga ito sa Pebrero.

Batay naman sa ulat ng FDA, sa susunod na mga araw ay maaprubahan na ang emergency use authorization application ng Pfizer at ng Astrazeneca.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: