40 tauhan ng Bacolod District Jail, iniimbestigahan sa isyu ng mga nakumpiskang kontrabando

by Radyo La Verdad | December 14, 2016 (Wednesday) | 911

lalaine_salcedo
Inalis na sa puwesto ang isang tauhan ng Metro Bacolod District Jail matapos mapatunayang nagpabaya sa tungkulin kaya nakapasok sa bilangguan ang mga ipinagbabawal na bagay.

Nakumpiska ng mga otoridad sa Greyhound operation ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, bladed weapons, 13 cellular phones, malalaswang dvds, gunting, simcards, at memory cards.

Ayon kay BJMP NIR Spokesperson JInsp. Louie Salcedo, iniimbestigahan pa ang tatlumput siyam na tauhan kulungan sa kaugnayan ng mga ito sa pagpasok ng mga kontrabando gayong mahigpit naman ang ipinatutupad na inspeksyon.

Kapag napatunayang nagpabaya agad na tatanggalin ang mga ito sa puwesto at ilipat sa ibang lugar.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,