40 pulis na umano’y sangkot sa iligal na droga, pinatatanggal na sa pwesto ng internal affairs service

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 1164

lea_pnp
Tapos nang isailalim sa validation ng Internal Affairs Service o IAS ang walumpu’t dalawang police na kabilang sa itinuro ng mga sumukong narco police na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Apatnapu sa mga ito ang nakilala at natukoy na ng IAS at ngayon ay inirekomenda ng alisin sa pwesto.

Ang mga naturang pulis aniya mula sa Region 6, 7 at 8 na pawang may malaking partisipasyon sa ilegal na droga.

Ayon kay IAS Deputy Inspector General PCSupt. Leo Angelo Leuterio, ipinadala na nila ang pangalan nang mga ito sa directorate for personnel & records management para sa kaukulang aksyon tulad ng pagdis-arma at pagtatalaga sa mga ito sa Personnel Holding and Admin Unit o PHAU.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ni Leuterio na magreport sa kanya ang mga ito upang maisailalim na rin sa interogasyon.

Patuloy naman ang isinasagawang validation ng internal affairs service sa apatnaupu’t dalawang iba pa na tanging ranggo at apelyido lamang ang naibigay sa kanila kayat kailangan pang-i-double check.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,