40 pasahero sugatan, matapos matumba ang sinasakyang bus sa Muntinlupa City

by Radyo La Verdad | October 2, 2017 (Monday) | 2574

Apat na pung pasahero kabilang ang ilang menor de edad ang nasaktan ng mawalan umano ng preno ang isang bus sa South Luzon expressway pasado 6:00 kagabi.

Ayon sa ilang pasahero kasalukuyan nilang binabagtas ang SLEX sa bahagi ng Alabang tollway nang biglang magkaroon ng ingay sa ilalim ng bus. Sumampa sa gutter sa gilid ng kalsada ang bus bago ito tumagilid.

Isinugod sa ospital ng Muntinlupa ang 31 at  9 naman ang dinala sa Asian Hospital and Medical Care na kapwa nagtamo ng minor injuries. Habang ang isang pasahero ay nasa malubhang kalagayan matapos magtamo ng matinding spine injury.

Kasalakuyang nasa kustodiya na ng otoridad ang driver ng bus habang dinala naman ang sasakyan sa tanggapan ng SLEX sa Calamba City. Kaagad namang nagbigay ng tulong ang operator ng Cher Transport sa mga biktima ng aksidente.

Tumagal ng dalawang oras bago nadaanang muli ang bahagi ng SLEX ng matanggal na ang tumagilid na bus.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,