4 sugatan sa banggaan ng 3 truck at bus sa CamSur, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | August 15, 2016 (Monday) | 1164

tmbb
Agad na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng apat na sasakyan sa Pan-Phil Highway Brgy. Planza Pamplona Camarines Sur noong biyernes ng gabi.

Sa lakas ng banggaan, nawasak ang harapang bahagi ng trailer truck at ng bus.

Nilapatan naman ng pangunang lunas ng grupo ang driver ng trailer truck na si Mang Rogelio Lumabao na nagtamo ng mga sugat sa paa at pamamaga ng kanang balikat.

Gayundin ang pahinante nito na nagkaroon naman ng sugat at gasgas sa likod.

Binigyan din ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang pasahero ng bus na pawang nagtamo ng bukol.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Pamplona, nag-overtake ang Del Monte Land Transport Bus Company o DLTB sa isang cargo truck.

Matapos na malapatan ng paunang lunas ang mga biktima ay tumanggi na ang mga ito na magpadala pa sa ospital.

(Allan Manansala/UNTV Radio)