4 nasagip, 22 nawawala sa landslide sa industrial park sa South China

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1468
landslide sa industrial park(REUTERS)
landslide sa industrial park(REUTERS)

Apat na ang nasagip at mahigit dalawangpu ang nawawala sa nangyaring landslide sa industrial park kahapon sa Shenzhen city sa Guangdong Province sa China.

Tatlo sa apat na nasagip ay nagtamo ng mga minor injury at ang isa naman ay hindi nasaktan.

Ayon ito sa opisyal mula sa rescue headquarters na itinayo malapit sa pinangyarihan ng landslide.

Mahigit sa isang libo limang daang tao kasama ang mga bumbero, pulis at health worker ang kasama sa rescue operation.

Tags: , , , ,

Search and retrieval sa mga natabunan ng landslide sa Natonin, Mt. Province, ititigil na sa Biyernes

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 28625

Labing dalawang indibidwal pa ang patuloy na hinahanap ng mga responders na kasama sa na-trap sa loob ng gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan ng gumuhong lupa sa pananalasa ng Bagyong Rosita noong nakaraang linggo.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, nakakuha ng karagdagang dalawang bangkay ang search and retrieval team noong Linggo. Sinabi din ni Chiyawan na naiuwi na rin ang labing-apat na bangkay na narekober sa ground zero sa kani-kanilang bayan o lalawigan.

Batay naman sa isinagawang assessment kahapon ng Office of the Civil Defense Cordillera, kasama ang local government unit (LGU) ng Natonin, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Department, Philippine Army at ilang rescue groups, hanggang sa Biyernes na lang maghuhukay ang rescue teams sa lugar upang i-retrieve ang mga nawawala pa.

Samantala, dalawa pang bangkay na naretrieve noong Biyernes ang nananatiling unidentified at nasa Funeral Carbonell Alfonso Lista, Ifugao.

Sa ngayon ay patuloy ang pagdating ng ilang rescue groups mula sa iba’t-ibang rehiyon upang tumulong sa mas mabilis na search and retrieval operation sa ground zero.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

3 bangkay, nakuha sa ground zero sa landslide sa Natonin, Mt. Province

by Radyo La Verdad | November 2, 2018 (Friday) | 37394

Hindi pa nakakarating sa ground zero ang mga heavy equipment ng DPWH at private companies para sana gamitin at mapabilis ang search and rescue operation sa Sitio Hakrang, Barangay Habawel Natonin, Mt. Province o ground zero.

Hanggang ngayon, mano-mano pa rin ang ginagawang paghuhukay ng rescuers sa mga biktima ng landslide dahil pagpunta pa lang sa ground zero ay pahirapan na limang kilometro ang kinailangang lakarin.

Aabot sa labing lima ang landslide na daraanan, ang iba dito ay hanggang bewang ang lalim ng lupa. Kailangan pang dumaan sa gilid ng bangin.

Kahapon ay nagdeklara na si Mayor Mateo Chiyawan na i-shift search and retrieval ang operasyon sa ground zero.

Aniya, dahil nagdikit-dikit na ang mga palapag ng gusali ng DPWH at tila wala nang air pocket o puwang upang pumasok ang hangin para makahinga pa ang mga pinangangambahang naipit sa ilalim.

Bunsod nito ay mababa na ang tyansa na may makukuha pang buhay sa mismong ground zero.

Sa kwento ng mga survivor sa incident commander, malakas talaga ang agos ng landslide.

Kaya posible na inanod na ang iba sa ibaba ng creek isang kilometro ang layo mula sa ground zero. Bandang alas kuwatro ng hapon kahapon ay may tatlo silang nakuha unidentified na bangkay.

Sa ngayon, labing siyam pa ang hinahanap.

Ayon kay Mayor Chiyawan, nangangamba sila na kulangin ang pagkain para sa mga rescuers.

Problema rin ang gasolina dahil walang gasoline station sa Natonin at pakonti-konti ng galon ang naiaakyat kaya kahit pa raw may equipment ay hindi pa rin daw nila ito mapapagana.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Ilang barangay sa Nueva Vizcaya, isolated dahil sa landslide

by Radyo La Verdad | November 1, 2018 (Thursday) | 21498

Wala munang makakalabas at makakapasok sa ilang barangay sa bayan ng Ambaguio dahil sa pagguho ng mga lupa dulot ng Bagyong Rosita.

Ang bayan ng Ambaguio ay isang fifth class municipality sa kabundukan ng Nueva Vizcaya at mayroong mahigit labing anim na libong populasyon.

Kabilang sa isolated ang Barangay Poblacion, Amueg, Dulli, Labang, Napo, Salingsingan at Camandag. Nasa mahigit kumulang na anim na libong tao ang nakatira sa naturang mga barangay.

Landslide prone area ang bayan ng Ambaguio kung kayat delikado na pumunta dito lalo na kung may malakas na bagyo.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council, gumuho ang lupa dahil sa epekto ng malakas na buhos ng ulan.

Aalamin pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung gaano kalaki ang kailangan i-clear upang makapagpadala ng mga equipment. Hindi pa matiyak ng DPWH kung hanggang kailan mananatiling isolated ang naturang mga barangay.

Tiniyak ng provincial government na hindi naman kailangan magpadala ng relief goods o anomang tulong dahil may sapat na supply ng pagkain sa lugar.

Ang kailangan sa ngayon ay ma-clear agad ang mga gumuhong lupa upang makalabas at makapasok sa kanilang barangay ang mga residente.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

More News