Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose na mayroong apat na pilipinong inaresto ang Hongkong authorities dahil umano sa drug trafficking.
Nahuli ang apat sa dalawang magkahiwalay na insidente noong Setyembre.
Nakumpiska sa mga ito ang halos tatlong kilong ipinagbabawal na gamot.
Binisita na umano ng Consulate General sa Hongkong ang 4 upang alamin ang kalagayan ng mga ito
Nagkaroon na umano ng dalawang pagdinig sa kaso ng apat na pinoy at sa Desyembre 21 ang susunod na hearing.
Muli namang nagpaalala ang DFA sa ating mga kababayan na huwag ma-engganyo sa madaling paraan ng pagkita ng pera na iniaalok kapalit ng pagiging drug courier.
Tags: Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose