4 na naaresto sa ‘floating shabu lab’ sa Subic, sumailalim sa inquest proceedings sa DOJ

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1497

RODERIC_INQUEST
Iniharap na sa inquest proceedings sa DOJ ang apat na Chinese nationals na mula sa Hongkong na naaresto sa loob ng fishing vessel sa Subic, Zambales noong Lunes.

Walang rehistro ang barkong pangisda na hinihinalang ginagamit na pagawaan ng shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan.

Nakumpiska sa kanila ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 2.5-million pesos at isang hydrogenator machine na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Nahaharap sila sa mga reklamong possession at manufacture of illegal drugs batay sa Section 8 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tumanggi na ang mga suspek na sumailalim sa preliminary investigation at magsumite ng counter-affidavit.

Sa halip ay hiniling ng mga ito na makatawag sa kanilang embahada.

Dalawang pao lawyer ang nagsilbing interpreter at abogado ng mga hongkong nationals.

Submitted for resolution na ang mga reklamo at magpapasya na lamang si Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera kung kakasuhan sa korte ang mga suspek.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,