4 na kabataang hinihinalang nagbebenta ng marijuana sa Sta. Ana Maynila nahuli ng mga pulis sa buy bust operation

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 4450

BENEDICT_HULI
Huli sa buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District Station 6 ang apat na kabataang lalaki sa Sta.Ana Manila kagabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 7 na sachet ng hinihinalang marijuana, tester pipe at isang balisong.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at COMELEC gun ban ang mga nahuling kabataan.

Nababahala din ang mga otoridad dahil pabata ng pabata ang mga nalululong sa droga at maging ang mga nagtutulak nito.

Aminado naman ang mga kabataan na gumagamit sila at nagbebenta ng marijuana.

Nagsisisi na umano sila lalo pat ang isang sa kanila ay anak ng isang barangay kagawad.

Sinabi din ni Supt.Domingo na malaking kabawasan sa kanilang problema ang pagkakahuli ng apat, dahil maging ang ilang krimen na resulta ng droga gaya ng robbery holdap, snatching, nakawan at rape ay mababawasan sa kanilang nasasakupan.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,