4 na hinihinalang tulak ng droga, arestado sa one time big time operation sa Malate, Maynila

by Radyo La Verdad | October 12, 2016 (Wednesday) | 1674

jerico_huli
Sa kabila ng paulit ulit na paalala ng mga otoridad sa mga drug pusher at user na itigil ang iligal na aktibidad, apat na drug personality sa Malate, Maynila ang nahulihan ng walong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,000.

Nadakip ang nga ito sa isinagawang one time big time operation ng pinagsanib na puwersa ng tatlong police community precint sa Malate, Maynila kagabi.

Nasa drug watchlist ng Malate Police Station ang apat na nadakip na dati na umanong sumuko sa Oplan Tokhang.

Kinilala ang mga ito na sina Danilo Guanlao, Alexander Guanlao, Rosell Diorico at Aiko Dopelaña.

Ayon kay Police Superintendent Romeo Odrada, hepe ng Malate Police Station, sasampahan nila ng kaso ang apat dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa daladalang hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Naging epektibo naman aniya ang sunud sunod na operasyon ng pulis laban sa mga sangkot sa iligal na droga upang mabawasan ang krimen sa lugar.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,