4 na beses na fire drill sa isang taon, isasagawa sa lahat ng paaralan sa Iloilo City

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 2551

LALAINE_DRILL-1
Isinusulong ng Bureau of Fire Protection ang madalas na pagsasagawa ng fire drills sa lahat ng mga paaralan dito sa Iloilo City.

Ito’y upang masanay ang mga estudyante sa mga dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog habang nagka-klase.

Dapat alam ng mga mag-aaral kung saan ang tamang daanan palabas at ang lugar na ligtas puntahan.

Ngayong araw ay sisimulan na ng BFP ang pagsasagawa ng fire drill sa lahat ng paaralan sa lungsod.

Unang sasailalim sa drill ang mga guro at mag-aaral sa Calumpang Elementary School.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, target ng BFP na makapagsagawa ng apat na beses na fire drill sa loob ng isang taon.

Muli namang nagbabala ang ahensya sa mga pamunuan ng paaralan na sundin ang fire safety regulations kabilang na ang pagkakaroon ng mga fire extinguisher, fire detection and alarm system, fire exit at maayos na linya ng kuryente.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,