4 na bayan sa Bulacan binabaha na dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng malakas na ulan

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 2544

bulacan
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan dito sa lalawigan ng Bulacan.

Kaninang tanghali ay kinansela ng Municipal Goverment ng Sta Maria, Marilao, Hagunoy at sa syudad ng Meycauyan Bulacan ang klase sa mga paaralan sa lahat ng antas, pribado at pampubliko ito ay dahil sa naranasang baha dulot ng malakas na buhos ng ulan at hightide

Sa barangay tabing ilog Marilao, hanggang dibdib na ang tubig baha, maging ang palengke binaha rin.

Ayon sa mga residente nahirapan silang lumusong sa tubig baha, at malaking abala sa kanilang hanap buhay.

Nag-uumpisa na ring tumaas ang tubig sa Mc Arthur Highway sa Barangay Hiyas Marilao at Barangay Bangcal sa Meycauyan Bulacan, subalit pwede pa rin itong madaanan ng lahat ng uri sasakyan.

Nagdulot naman ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang pagbaha sa mga nabanggit na lugar.

Nagkaroon na rin ng forced evacution sa Pinaklayan Villa Iligan sa Barangay Muzon Towervill 6 at sa Barangay San Manuel, San Jose del Monte Bulacan kanina dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog sa tabi nito.

Samantala, tuloy pa rin naman ang pasok ng mga empleyado ng ibat-ibang sangay ng sangay ng gobyerno buong Bulacan.

Tags: , , ,