4 Demolition woker sa Baguio City tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 16, 2017 (Wednesday) | 3485

Apat na tauhan ng demolition team ng Department of Agriculture ang nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang tinatanggal ang mga iligal na istruktura sa Dairy Farm, Barangay Dontogan Baguio City kahapon.

Isa sa mga ito ay nagtamo ng sugat sa kanang binti matapos maglaglagan ng tipak ng bato habang binubuwag ang ilang itinayong bahay sa lupang pag-aari ng pamahalaan. Mayroon ding natusok ng pako at nagkaroon ng sugat sa mga kamay.

Agad na nilapatan ang mga ito ng UNTV News and Rescue team ng paunang lunas. Pagkatapos ay tumanggi na ang mga ito na magpadala sa ospital.

 

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,