4 Chinese nationals na naaresto floating shabu lab sa Subic, naghain ng petisyon para makapag-piyansa sa Olongapo RTC

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 1195

leslie3
Naghain bail petition ang apat na Chinese national na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa hinihinalang floating shabu laboratory noong Hulyo.

Magugunitang sinampahan ng kaso ng Department of Justice noong July 13 sina Win Fai Lo, 42; Shu Fook Leung, 49; Kam Wah Kwok, 47 and Kwok Tung Chan, 29 dahil sa paglabag sa Section 11 at Section 8 ng republic act 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang fishing vessel ay naharang sa Calapandayan Subic, Zambales kung saan aabot sa kalahating kilo ng shabu ang nakumpiska sa floating shabu laboratory.

Nakatakdang isagawa ang bail hearing ng mga akusado sa November 4, 18 at 25 ang sa Regional Trial Court ng Olongapo City.

Samantala habambuhay naman na makukulong ang isang Chinese national at kasama nitong limang pilipino na sangkot 2 billion peso Subic drug case noong 2013.

Sa promulgation ng korte ngayong araw, nahatulan ng guilty sina Escueta, Coronel Desierto, Emmanuel Erwin Tobias ng Pasay City; Dennis Domingo ng Antipolo City, Rizal; Romeo Soriano Manalo at Albert Chin ng Mendez, Cavite.

Matatandaang, nagsagawa ng raid ang mga otoridad sa Sta. Monica subdivision, Barangay San Isidro, Subic, Zambales noong Agosto 2013 kung saan naaktuhan ang mga suspek na ikinakarga sa van ang kilu-kilong high grade shabu.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,