4.3M na mga mahihirap sa bansa, target na maging beneficiary ng PPP Program ng DSWD sa 2016

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 1705

4PS's
Sumasailalim sa assessment sa kasalukuyan ang milyon-milyong mahihirap sa bansa upang maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ng DSWD.

Sa National Capital Region o Metro Manila pa lamang ay halos 230 libong benepisyaryo na ang nasasakop ng programa at sa susunod na taon ay target nila na paabutin ito sa 1.2M.

Ayon kay DSWD-NCR Director Alicia Bonoan, malapit nang matapos ng kagawaran ang 2nd round ng assessment para sa 4.3M mahihirap sa buong bansa na target na masakop ng programa sa 2016.

Sakop ng programa ang 3 anak sa bawat pamilya.

Tatanggap ng P300 ang kada elementary student at P500 ang high school.

Bukod pa dito ang P500 health allowance.

Dapat lamang na at least may 85% na attendance ang bata sa pinapasukang paaralan.

Ayon kay Bonoan, nasa 3 libo na sa mahigit sa 4,400 naman na rehistrado sa Modified Conditional Cash Transfer Program sa Metro Manila ang nahanapan na nila ng matitirahan.

Sa modified cct program, sagot ng gobyerno ang pang-upa sa bahay ng mga benepisyaryo sa loob ng 6 na buwan habang sila ay naghahanap pa ng trabaho.

Sa ngayon ay isinusulong ang pagsasabatas ng 4P’s upang maging permanente na ito.

Naglaan ang pamahalaan ng P62.7B para sa pagpapalawig pa ng programa sa 2016. (Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: ,