Malawakang pinsala sa Metro Manila ang inaasahan sakaling tumama ang 7.2 magnitude earthquake o ang “The Big One”.
Bukod sa libo-libong imprastraktura at mga gusaling posibleng gumuho o masira, higit na pinangangambahan ang malaking bilang ng casualty na maaaring idulot ng trahedya.
Kaya naman sa layuning mapaghandaan ang kalamidad na ito, mas pinalawak na Rescue Summit ang isasagawa ng UNTV sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government.
Tampok sa 3rd Rescue Summit ang National Capital Region Local Disaster Risk Reduction and Management Capability Display at Disaster Preparedness and Information Dissemination Demonstration.
Highlight naman ng event ang friendly rescue competition sa pagitan ng rescue groups ng iba’t-ibang probinsya na maaapektuhan o posibleng makatulong sa pagresponde kapag tumama ang malakas na lindol.
Samantala, saludo naman si DILG officer-in-charge Eduardo Año sa konseptong ito ng UNTV.
Ang Rescue Summit ay isa lamang sa mga proyekto ng UNTV na naglalayong makatulong sa pagsagip ng buhay.
Ang UNTV din ang pioneer ng News and Rescue sa Pilipinas sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: 3rd Rescue Summit, The Big One, UNTV